Showing posts with label Chicken. Show all posts
Showing posts with label Chicken. Show all posts

Thursday, January 3, 2013

Christmas 2012 and New Year 2013

Ito lamang po ang i-post ko...at later na lang ang recipe kapag may time na ako...

Itong mga pics na ito ay mga naihanda iyan during Christmas party sa aking company and the rest noong pasko at new year na pinagsaluhan namin....










Thursday, November 1, 2012

Manok Adobo sa Gata (Chicken Adobo in Coconut Cream)


dorcenkitchenette
Ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng luto.  Bata pa lamang ako ay nakagisnan ko na ang lutuing ito ng tatay ko.  Tuwing mayroong may birthday sa pamilya, mayroon bisita at lalong-lalo na pagkatapos dumaan ang malakas na bagyo.

Masarap ang “native na manok” sa lutuing ito.  Masarap lalo na kapag ‘sinagkotsa ito sa tanglad” bago ito lagyan ng gata at luyang dilaw.

Ate Bicolana ka ba, o Bisaya?”, ;aging tinatanong sa akin.  Bago kasi ako pumasok sa opisina, kailangang makapagluto muna ako ng ilang putahe.  Madaling araw kasi ako namamalengke 3:30.  Ang mga niluluto ko daw ay patok sa masa lagi lalo na iyong dinuguan. Swak na swak sa panlasa nila ang mga ma anghang na ulam.

Mga Sangkap:
1 kilo manok adobot cut
1 Sibuyas katamtaman ang laki
3 butil ng Bawang
1 piraso ng Laurel
1 piraso ng Tanglad
Luyang dilaw
Luya
Sili pangsigang or pamaksiw
Sili Labuyo
Sili pokingan o bell pepper
Paminta durog
1/2 Tasa Suka (datu)
1 kutsara Patis
Magic Sarap
Gata (una ta pangalawang gata)
Optional : Papaya o dahon ng malunggay puede ihalo sa karne
Paraan ng Pagluluto:
  1. Igisa ang sibuyas, bawang at luya papulahin kunti
  2. Ilagay ang manok, patis paminta at laurel, hayaan ng 5 minuto na kumukulo at ilagay na rin ang tanglad at suka.  Takpan.
  3. Kapag tapos na itong pakuluan ng 5 minuto, ilagay ang pangalawang gata kasabay ang luyang dilaw na hiniwa-hiwa ng maliliit.  Hayaang kumulo ng mga  10 minuto.
  4. Puwede nang isabay ang papaya na hiniwa ng slanting o ayon sa gusto mong sukat
  5. Kapag luto na, ilagay na ang panghuling gata, kasabay ng siling pamaksiw at siling labuyo (tantyahin lamang ang gusto mong anghang).
  6. Timplahin ng asin at magic sarap, ilagay ang bell pepper o siling pokingan.
  7. Pakuluan ng dahan dahan hanggang sa ito ay lumapot.  Mas masarap kapag lumabas ang sariling mantika ng niyog ng kunti.
  8. Ihain na mainit kasabay ng mainit din na kanin.



Friday, August 3, 2012

Sinigang Na Manok Sa Miso


Mga kailangang sangkap:

1 kilo manok ( hiwain ayon sa gusto mo kapag pang bahay na pagkain/ Pang canteen   hiwain ng tamang sukat lalabas ang puhunan sa isang order ay P20.00)

1 katamtamang laki ng sibuyas
3 butil ng bawang
1 katamtamang laki ng labanos hiwain ng pahalang
2 piraso kamatis
1 4x4 na luya hiwain ng pahalang
1 tali ng mustasa
5 piraso siling pamaksiw
Miso (halagang 5 or 10.00)
Paminta (kunti lang pangpa-alis ng lansa)
¼ kilo na kamyas o di kaya sampaloc pampaasin or ready to mix na pampaasim
Magic sarap/Vetsin
Asin
Patis


Paraan ng pagluluto

  1. Lagyan ang kawale ng isang kutsarang mantika (huwag masyado madami, mamantika ang manok)
  2. Igisa ang sibuyas, bawang, luya at kamatis papulahin ng kunti kasama ang kunting paminta  at  isunod ang miso
  3. Ilagay ang lahat ng manok (nilamas sa kunting asin at binanlawan upang matanggal ang lansa)
  4. Lagyan ng isang kutsarang patis at hayaang kumulo sa sariling katas nya at patis
  5. Pagkaraan ng mga 5 minuto lagyan ng pinaghugasan ng bigas o kahit tubig plain ok lang
  6. Hayaang kumulo, kapag malapit na maluto ang karne ilagay ang labanos, mustasa at siling pamaksiw. 
  7. Pagkaraan ng 3 minuto hanguin ang gulay kasama ang sili. Mag-iwan ng isang sili para tumalab ang lasa sa sabaw nito.
  8. Itabi ang gulay sa isang lagayan na malinis at tuyo.
  9. Timplahan ng pangpa asim kapag (ready mix man o ang pinakuluang sampalok o kamyas na dinurog muna)
  10. Timplahin ng Magic sarap o vetsin
  11. Ihain kapag kakain na, sikaping mainit pa para masarap. Kapag nasa mangkok na saka ito ilagay ang mga gulay na naitabi.

Tip:  Bakit kailangang alisin ang gulay habang hindi pa nilalagyan ng pangpa asim? – para ito ay manatiling kulay green at fresh, hindi mamumula na mukhang over cooked. Nangyayari ito sa mga sinigang. Kapag maasim ang sabaw ang gulay nagiging brown ang mga green.  Ang labanos, kapag na over cooked nag iiba ang lasa nya, parang mapanghi ang amoy din.



Saturday, June 23, 2012

Adobong Manok ( Chicken Adobo )

Hmmm...ang bango naman yan kakagutom!  

Alam na alam ko kapag adobong manok ang ulam ng kapitbahay namin noon sa Jolo dahil sa amoy pa lang nito tiyak gugutumin ka talaga. Nagluluto din ako noon ng adobo pero hindi ko tlaga mahuli ang amoy na iyon.  Nahihiya naman ako magtanong kasi hindi ko naman sila kilala at bihira lang sila lumabas ng bahay.

Ako kasi yong tipo ng tao na kapag interesado ako sa isang bagay eh gagawa at gagawa ako ng paraan para lamang malaman kung ano ang gusto ko malaman; sa madaling salita kinaibigan ko ang kanilang katulong tuwing nagtatapon ng basura panay interview ko.  Tuwing meron ako kakaibang naamoy na luto nila tinatanong ko kung ano iyong luto na iyon at paano niluluto at ano ang lasa at ano ang mga ingredients nito at paano ang procedure.  

Sa pagluluto halos pari pariho lang ang pangalan ng recipe or maiba man pero iyon pa din ang ibig sabihin non medyo pina sosyal lang.  Pero ang pagkakaiba lang kahit pariho lang ang luto non ay ang panlasa at presentation natin na ginagawa at depende iyon sa atin na nagluluto. Reinventing and improving or making some revision to some recipes are very rewarded lalo na kapag perfect ang gawa at pinupuri ka na masarap or ang sarap naman ng luto mo. Don pa lang sulit na ang pagod mo at lalo mo pa pagbubutihin ang iyong pagluluto, PRICELESS kasi kapag pinuri na masarap ang luto mo lalo na kung ang iyong mga anak at asawa ang iyong number 1 fan.

Ang klase ng pagluluto o presentation ng bawat luto ay depende: 1. Lutong pangbahay, 2. Lutong pang commercial (ord. resto or turo-turo ) 3. Pang sikat na resto at 4. Pang handaan. At susubukan ko na ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa sa sumod kong blog.
At ito ang aking sekreto paano ko natutuhan ang isang napakasarap na adobong manok


Mga Kailangan:
  • 1k Manok (chicken ) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
  • 2 piraso patatas ( hiwain ng cubes style)
  • 4 piraso dahon laurel
  • 7 kutsara toyo (datu puti)
  • 7 kutsara suka (datu puti)
  • 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
  • 1 buo na sibuyas ( hiwain at hatiin ) itabi ang kalahati
  • 2 kutsara na mantika ( mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit ng marami)
  • Asin
  • Paminta buo at durog
  • Asukal na pula
  • Magic Sarap ( hindi ako gumagamit ng vetsin)
  • 1 baso tubig 
  • 1 kutsara na cornstarch
 Paraan sa pagluluto: 
  •  Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
  •  Isalang ang kawali at ilagay ang mantika.  Iprito ang patatas at hanguin ito at itabi
  • Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
  • Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
  • Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
  • Timplahan ng asin at asukal 
  • Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas 
 TIP:
MABANGO ANG ADOBO AT MAS MALASA KAPAG ITO AY IGINISA. 

Kapang pang pamilya lang puede na syang huwag na lagyan ng tubig kapag iginisa at puede na rin hindi palaputin.  Kung ayaw ng medyo matamis tamis bawasan ang asukal pero huwag hayaan na hindi lagyan kahit kunti dahil mas masarap kapag meron nito at mas lalo mag blend ang alat kunti tamis

SA LAHAT NG NILULUTO MAS MAGANDA ANG HALF COOKED LALO NA SA GULAY. PRESENTABLE NA SYA AT HINDI PA MAWAWALA ANG SUSTANSYA NITO

ANG PATATAS AT CARROTS MAS MAGANDA NA E PRITO SYA NG TAMA LANG PARA HINDI NITO SIPSIPIN ANG LASA NG KAHIT NA ANONG KARNE NA NILULUTO

 Asukal na pula - isang sekreto ng mga nagluluto sa restoran o catering para mas lalo mag blend 
                              at pantanggal ng alat at puede na syang gamitin pamalit sa vetsin 

Arina - Pampalapot ( 1 is to 1 sila ng cornstarch )

Cornstarch - Pampalapot at pampakintab ng luto (para hindi mukhang dull ang luto kahit gabi   
                      na or matagal na oras na ito niluto