Showing posts with label Appetizer. Show all posts
Showing posts with label Appetizer. Show all posts

Sunday, October 5, 2014

Pork Kelawin

Ingredients:

½ kl pork (face part)
½ kl pork liempo
1 ½ cup vinegar
3 tbsp soy sauce
6 medium sized tomatoes (chopped)
4 pcs chili long (green)
3 pcs chili (red)
2 tbsp. ginger (chopped)
3 large onion (red onion), chopped
1 cup cucumber (chopped)
½ cup spring Onion (chopped)
1 tbsp. ground Black Pepper
Salt to taste
1 tsp. white sugar
5 cups of water for boiling the meat
1 cup Coconut milk (optional)
4 cloves of garlic (chopped)
2 tbsp. lemon or calamansi juice

Procedure:

1. Boil the meat with salt and pepper (small amount of pepper & salt only) in 5 cups of water
2. When tender already, sliced or chopped into small pieces the pork
3. Boil the vinegar in 2 minutes. And let it cool
4. In a big bowl mix all the ingredients until all the ingredients will mixed and comes out the flavor of your taste, followed by the meat. Mixed and serve

Sometimes if I have enough time, after boiling the meat, I grilled it before I chopped. There is a different flavor if the meat is grilled. But, for me as a busy mom, boiling the meat is enough.

Thursday, January 3, 2013

Christmas 2012 and New Year 2013

Ito lamang po ang i-post ko...at later na lang ang recipe kapag may time na ako...

Itong mga pics na ito ay mga naihanda iyan during Christmas party sa aking company and the rest noong pasko at new year na pinagsaluhan namin....










Sunday, October 21, 2012

DYNAMITE (Relyenong Sili)


Photo: DhorsFacebookpage
Marami ang nagtatanong ano daw ang tinatawag na dynamite…Ito ba raw iyong ginagamit ng mga mangingisda?

Sabi ko naman, oo pero hindi sa dagat ito pinapasabog; sa bunganga ito at sa tiyan sasabog! Hehehe…joke lang.

Sa sobrang anghang kasi eh, talagang sabog sa pakiramdam.  Lalo na kapag hindi tinanggal ang mga buto nito.  Opo, buto ng Sili na green o kung tawagin ay siling pamaksiw.

The best ito pang pulutan, pero mas masarap ito gawing ulam; lalo na kapag may kasamang mainit na kanin dahil tiyak uusok talaga hehehe.


Sangkap:

½ kilo Ground pork
1 pc reg. size carrot
1 pc. Onion
3 cloves garlic
1 teaspoon salt or patis
1 teaspoon brown sugar
Ground pepper
1 sachet (small) magic sarap
1 egg
Cheeze ( hiwain ng pahaba na maninipis)
½ kilo Siling Pamaksiw (mas maganda kapag malalaki at mahaba)
Lumpia wrapper
Mantika

 ----------
Optional lamang kung mga babae ang kakain
 Paghaluin ang mayonnaise at ketchup para gawing sawsawan
 ----------
Paraan ng pagluluto:

Kapag bumibili ako sa palengke ng karne ipinapasama ko na sa paggiling ang mga sumusunod : sibuyas, carrots, bawang at sibuyas.

Idagdag ang asin o patis, paminta, magic sarap at ang itlog. Itabi lamang

Himayin ang SILI, hiwain sa gilid at tanggalin ang mga buto at budburan ng kunting asin at lamasin ng kunti at banlawan ng tubig.

Hiwain ang keso ng maninipis at mahaba.

Ipalaman sa loob ng Sili ang giniling at ilagay ang keso….o maari din na ilagay muna ang keso sa loob ng sili bago lagyan ng giniling.

Balutin sa lumpia wrapper.

Deep fry ang pagluluto sa katamtamang apoy lamang. 
Tanggalin kapag mamula-mula na.  Madali lamang itong maluto ang karne dahil kunti lamang ang karne sa loob ng sili.

Monday, June 25, 2012

Atsarang Sayote ( Chayote Pickle )

Salad! Marinig ko pa lang ang salitang iyan tiyak gugutumin na ako at aandar na ang aking malikot na imagination sa lahat ng klase ng pagkain na gusto ko kainin.  Sa handaan mas kinakain ko ang "salad", mas nauuna ko puntahan ang corner ng dessert of salad.







Akala ko noon ay papaya lang ang ginagawang atsara, puede din pala ang sayote pate ang singkamas, Pero hindi ko pa na try ang singkamas at itong sayote madalas ko na gawin ito lalo na kung mas mura ang kilo sa market. Dalawang beses na rin nakarating ng Saudi Arabia ang aking sariling gawa na Sayote Atsara at sarap na sarap dito ang aking mahal.

Ginagawa itong side dish lalo na kung ang ulam ay pritong isda, inihaw na isda o grilled meat (pork,pork,chicken) Gaganahan ka ng kain lalo na kapag ang kanin ay mainit at lagkitan kapag ito ay inihain


Mga Sangkap:

1 kl sayote talop at strip cut or grated
2g. raisens
1 large carrots hiwain pabilog
2 pcs red and green bell pepper hiwain pabilog
1 kutsara Luya hiniwa ng manipis strip
15 pcs sibuyas tagalog hiwain pabilog or sibuyas na pula
15 butil ng bawang slice ng pabilog or slanting
2 tasa ng puting asukal
2 Tasa ng Datu Puti suka
Iodized salt
Pamintang pino

Paraan ng Paggawa:

  • Pakuluan ang suka, asukal, asin at isama na ang kunting pamintaPalamigin
  • Sa isang lalagyan paghaluin lahat ng mga sangkap at lagyan ng kuntin rock salt at paghaluin. Patuyuin salain hanggan matuyo maubos ang katas ng sayote at rock salt
  • Kapag malamig na ang pinakuluan na sangkap. Ibuhos sa pinaghalo halong mga sangkap at ilagay sa bote or container. Takpan at ilagay sa ref. 

 SAME PROCEDURE PARA SA EGGPLANT SALAD

Tuesday, June 12, 2012

Ginisang Bagoong (Sauted Shrimp)

"Kung sa Iloilo ang pera ay ginapiko at ginapala sa amin sa Navotas ang Alamang ay Pinapala at Inaapakan".....hmmm pero masarap!

Fourth year high school ako noon ng matira ako sa aking tiyahin na nakapag asawa ng anak ng isang may ari ng Alamang Consignation sa bayan ng Navotas.  Doon ko unang nakita ang banye-banyerang sariwang alamang binababa ng mga malalaking bangka at ito ang huli nila magdamag sa karagatan ng Cavite, Bulacan at sa karatig na probinsya.

Isa sa pinakapaborito ko ito sa lahat lalo na noon nag aaral pa lang ako, masarap na matipid pa na ulam ng isang estudyante na tulad ko mahirap lang. Nang nakita ko kung paano ginagawa ang sariwang alamang para maging bagoong alamang hindi ko maiwasan ang mandire, lalo na makita mo na iyong natapon sa maputik na semento ay pinupulot at ibabalik sa banyera. At kapag naman gagawin na bagoong kailangan ilalagay sa isang malaking lumang banka na nasa loob ng consignation na kung saan doon din ang bahay ng tiyahin ko.  Ibubuhos ang ilang banyera na alamang at ito ay lalagyan ng sako sakong asin, sapal (pinagpigaan ng ginagawang taho) at food coloring.  Sasampa ang isa hanggang dalawang tao na naka suot ng bota para ito ay ihalo sa pamamagitan ng pag martsa o pag apak apak pabalik balik sa alamang at minsan naman kanila ito ginagamitan ng pala. Ang bota ay galing sa maduming semento ng consignation pero bago naman sila sumampa iyong iba nakikita ko naghuhugas ng bota pero ang tanong saan kaya galing ang tubig?

Naalala ko na meron mga naliligaw na dayuhan sa consignation at nakikita ko hindi sila nandidire at maniwala kayo sa hindi ginawang palaman sa tinapay at sabay sabi "yummy"! Hahaha yummy talaga di ba.  Pagkatapos gawin ito ay dadalhin na sa Divisioria o kung saan man malalaking palengke nila ito dadalhin at ang iba ay sa malaking storage iimbak.  Siguro naisip ninyo ganun pala karumi ang bagoong! OO, pwera na lang kung ikaw mismo ang magmamasa sa isang batya at sigurado na malinis talaga. Pero ito lang ang masasabi ko hindi lang ang alamang bagoong ang marumi at sisiguraduhin ko sa inyo dahil naranasan ko na din magtrabaho sa isang malaking kumpanya ng pagawaan ng sardinas.

Isang sekreto para hindi na kayo mag isip na makakain ninyo ang bakterya o dumi na dulot ng paggawa ng bagoong alamang. Pakuluan ito sa maraming suka hanggan sa matuyuan at para rin hindi masira kaagad ang alamang kahit hindi ninyo pa ito igigisa. at mawawala pa ang lansa nito.


Mga Sangkap:

1kl. Bagoong Alamang (matabang)
2 Baso Suka Datu Puti
2 pcs.Sibuyas
Mantika
Asukal na Pula
1/4 Bawang (hatiin pang gisa at roasted or dinurog na pinapula na malutong)
Paminta
1 buo Gata ng Niyog (unang piga)
Luya
Atsuete (optional lang ito kung gusto ninyo lang makulay)
Magic Sarap

Pamamaraan ng Pagluluto:

- Pakuluan ang bagoong alamang hanggan matuyuan
-Isangag sa mantika (toasted) ang durog na bawang at itabi
-Igisa ang bawang at sibuyas at kapag mapula na ilagay na ang gata at haluin para hindi magkulta o mamuo
-Ilagay ang alamang kapag malapot na ang gata hayaan na kumulo at kusang magmantika
-Gadgaran ng luya na kunti at lagyan ng paminta at asukal ayon sa iyong panlasa isabay na ang magic sarap.
-Hayaan kumulo ng kumulo hanggan makita na tuluyang lumutang ang pinaghalong mantika at mantika ng niyog o gata.
-Kung gusto ninyo ng maanghang puede lagyan ng siling labuyo o di kaya ay siling green hiwain ng pahalang.

Ang lutong ito ay puede gamitin sa lutong kare kare huwag lang lagyan ng asukal.

Sa ganitong paraan ng pagluluto matagal at unti unti pinakukuluan ay tumatagal kahit hindi ilalagay sa ref.