Thursday, November 1, 2012

Ginataang Tulingan

dorcenkitchenette
Ito ang pinaka paborito ko sa lahat na ulam.  Isa din itong best seller sa aking mini resto.  Isang mini resto na pang masa.


Sangkap

1kl Tulingan
1 sibuyas
2 kamatis
4 na butil ng bawang
1/2 kutsaritang paminta (cracked )
1/2 tasa ng luya (hiniwa ng stripped )
1 magic sarap
asin
sili pang sigang
sili labuyo
Petchay or talong (optional lamang )
Gata ng niyong ( isang buo ng niyog na piniga na)
1/2 tasa na Suka

Pamaraan

- hatiin ang hiniwang sibuyas, bawang, kamatis, luya.  Ilagay sa kaldero o kawali ang mga hinating mga   
  rekado kasama ang paminta.  
- isunod lagay ang isda (tulingan o di kaya ay tambakol o tilapia) mga pagpipiliang mga isda na gagataan
- ilagay ang suka kapag nailgay na ang isda sa ibabaw ng mga sangkap.  
-Hayaang kumulo ng mga 5minutes
-ilagay ang mga natirang sangkap pagkatapos ng 5minutes na pakulo sa suka kasabay ng pangalawang gata.
  hayaan itong kumulo ng mga 10minutes.
-after 10 minutes ilagay ang unang gata kasabay ang siling pamaksiw o pangsigang at ang siling labuyo.
  halu-haluin ang gata para hindi kumulta o magbuo-buo. Kapag kumulo na at luto na ang unang gata saka  ihulog ang talong o petchay at ilagay ang magic sarap. Timplahin at takpan ng mga 3minutes para maluto ang pechay. Kapag talong ang hinalo kailangan isabay ito sa pangalawang gata. 

1 comment:

  1. Good day! I’d like to invite you to visit our new website, Vigattindeals.com, the hottest deals and promotion website in the Philippines. We offer huge discounts on of food, products, travel and services from our various partners throughout the country. Please try our offer; you will surely like them. Great deals within your reach at more than 50% off. Enjoy the best offers you never encountered before!

    Thank you and God bless!

    ReplyDelete