Saturday, June 23, 2012

Adobong Manok ( Chicken Adobo )

Hmmm...ang bango naman yan kakagutom!  

Alam na alam ko kapag adobong manok ang ulam ng kapitbahay namin noon sa Jolo dahil sa amoy pa lang nito tiyak gugutumin ka talaga. Nagluluto din ako noon ng adobo pero hindi ko tlaga mahuli ang amoy na iyon.  Nahihiya naman ako magtanong kasi hindi ko naman sila kilala at bihira lang sila lumabas ng bahay.

Ako kasi yong tipo ng tao na kapag interesado ako sa isang bagay eh gagawa at gagawa ako ng paraan para lamang malaman kung ano ang gusto ko malaman; sa madaling salita kinaibigan ko ang kanilang katulong tuwing nagtatapon ng basura panay interview ko.  Tuwing meron ako kakaibang naamoy na luto nila tinatanong ko kung ano iyong luto na iyon at paano niluluto at ano ang lasa at ano ang mga ingredients nito at paano ang procedure.  

Sa pagluluto halos pari pariho lang ang pangalan ng recipe or maiba man pero iyon pa din ang ibig sabihin non medyo pina sosyal lang.  Pero ang pagkakaiba lang kahit pariho lang ang luto non ay ang panlasa at presentation natin na ginagawa at depende iyon sa atin na nagluluto. Reinventing and improving or making some revision to some recipes are very rewarded lalo na kapag perfect ang gawa at pinupuri ka na masarap or ang sarap naman ng luto mo. Don pa lang sulit na ang pagod mo at lalo mo pa pagbubutihin ang iyong pagluluto, PRICELESS kasi kapag pinuri na masarap ang luto mo lalo na kung ang iyong mga anak at asawa ang iyong number 1 fan.

Ang klase ng pagluluto o presentation ng bawat luto ay depende: 1. Lutong pangbahay, 2. Lutong pang commercial (ord. resto or turo-turo ) 3. Pang sikat na resto at 4. Pang handaan. At susubukan ko na ibigay ang pagkakaiba ng bawat isa sa sumod kong blog.
At ito ang aking sekreto paano ko natutuhan ang isang napakasarap na adobong manok


Mga Kailangan:
  • 1k Manok (chicken ) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
  • 2 piraso patatas ( hiwain ng cubes style)
  • 4 piraso dahon laurel
  • 7 kutsara toyo (datu puti)
  • 7 kutsara suka (datu puti)
  • 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
  • 1 buo na sibuyas ( hiwain at hatiin ) itabi ang kalahati
  • 2 kutsara na mantika ( mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit ng marami)
  • Asin
  • Paminta buo at durog
  • Asukal na pula
  • Magic Sarap ( hindi ako gumagamit ng vetsin)
  • 1 baso tubig 
  • 1 kutsara na cornstarch
 Paraan sa pagluluto: 
  •  Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
  •  Isalang ang kawali at ilagay ang mantika.  Iprito ang patatas at hanguin ito at itabi
  • Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
  • Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
  • Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
  • Timplahan ng asin at asukal 
  • Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas 
 TIP:
MABANGO ANG ADOBO AT MAS MALASA KAPAG ITO AY IGINISA. 

Kapang pang pamilya lang puede na syang huwag na lagyan ng tubig kapag iginisa at puede na rin hindi palaputin.  Kung ayaw ng medyo matamis tamis bawasan ang asukal pero huwag hayaan na hindi lagyan kahit kunti dahil mas masarap kapag meron nito at mas lalo mag blend ang alat kunti tamis

SA LAHAT NG NILULUTO MAS MAGANDA ANG HALF COOKED LALO NA SA GULAY. PRESENTABLE NA SYA AT HINDI PA MAWAWALA ANG SUSTANSYA NITO

ANG PATATAS AT CARROTS MAS MAGANDA NA E PRITO SYA NG TAMA LANG PARA HINDI NITO SIPSIPIN ANG LASA NG KAHIT NA ANONG KARNE NA NILULUTO

 Asukal na pula - isang sekreto ng mga nagluluto sa restoran o catering para mas lalo mag blend 
                              at pantanggal ng alat at puede na syang gamitin pamalit sa vetsin 

Arina - Pampalapot ( 1 is to 1 sila ng cornstarch )

Cornstarch - Pampalapot at pampakintab ng luto (para hindi mukhang dull ang luto kahit gabi   
                      na or matagal na oras na ito niluto


5 comments:

  1. wow kuya nakakatuwa ka magkwento :D I like it :D
    aksidente lang makita ko tong account blog mo kasi magluluto ako ng adobong simple :D

    You're into foods pero ok din ang pagsusulat mo. parang kaibigan mo lang kami :)

    Salamat kaibigan :D Keep up your good work. May nakuha tuloy akong ideya sayo :)
    Salamat uli!

    ReplyDelete
  2. hehehee thanks..."ATE" po ako...girl na girl ako at anak ko ang nasa picture...salamat naman.

    Oo, para kunyari tinuturuan ko ng personal ang aking mga readers...

    Nagsusulat din kasi ako sa Definitely Filipino the blog for online filipino at ang aking mga gawa ay nandito .... sana mabasa mo mga akda ko. thanks

    http://definitelyfilipino.com/blog/author/dorcenmm/

    ReplyDelete
  3. They say "the way to a man's heart is through his stomach"
    So cook for you husband, boyfriend, brothers , or anyone
    To build strong relationship.. hehehe nakakagutom.. alking tulong ng internet para mabasa ko tong blog na to.. heheheh try this
    cheap quality gadget in the philippines or www.cheapdito.com

    ReplyDelete
  4. Nais naming isali ang iyong blog sa mga Nangungunang Listahan ng mga Food Blog sa mytaste.ph/ . Ang iyong blog ay sadyang kahanga-hanga at nararapat lamang na makasama sa TOP FOOD BLOG LIST! Best recipes!!
    Ang Mytaste ay ang pangalawa sa pinakamalaki sa buong mundo pagdating sa paghahanap ng recipe. Ito ay isang search engine ng mga recipe na galling sa iba’t ibang Recipe blog . Sa wakas ang Pilipinas ay mayroon ng myTaste.
    Dahil ang iyong blog ay nakasulat sa English at may masasarap na Pinoy Asia recipes, nais naming magbigay sa iyo ng pagkakataon upang isama ang iyong blog sa TOP FOOD BLOG LIST at ibahagi ang iyong mga recipe sa aming 3million Users sa buong mundo . Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang url at email address ng iyong blog sa link na ito: http://www.mytaste.ph/join_top_food_blogs
    Ito ay isang paraan na maaari mong gawin upang gawing mas nakikita ang iyong blog at malantad sa maraming mga tao sa Pilipinas , sa mga bansa na English ang wika tulad ng Estados Unidos , UK , India , Australia , at New Zealand at sa buong mundo ; ito ay maaaring makatulong sa iyong pahina upang makakuha ng mas marami pang mga bisita at dagdagan ang trapiko .
    ilantad ang iyong BLOG ! ! !
    (wala kang kailangang bayaran dito kahit isang sentimo)

    ReplyDelete
  5. Thanks for joining.. Please dont forget to put the widget/badge on your page. It is very important, so that we could include you to the top food blog list on our site. The badge is our way in counting your visitors and promoting your blog.. Have a nice one.. tomorrow we will feature your recipes and blog on our fanpages. please visit our fanpages as well.. more power

    ReplyDelete