Ngayon ko lang napagtanto hindi lang pala iyong mga malalapit sa puso ko ang magse celerbrate ng kanilang birthday since April to July, pati pala sa Hapee's Food Corner ko meron din June celebrant.
Anyway, hindi pa naman huli ang lahat dahil last week lang ang birthday ng aking cook at ngayon araw ng Kalayaan June 12 ang birthday naman ng aking taga pamalengke na pumalit sa akin ng ako ay umpisa lumipat na ng tirahan at opisina.
Kanina ito ang handa ko para sa aking 2 staff minus the cake pero meron naman ice cream. Diet kasi ako at ayaw ko makakita ng mga tuksong pagkain
PANCIT CANTON ( Lutong Pinoy)
Mga sangkap:
1kl. Pancit canton
1pc. tamang laki ng carrots
1g chicharo
1g chicharo
1g baguio beans strip cut
1/2kl.cabbage o repolyo strip cuts
1/2 chicken nilaga na at hinimay ng maliliit (shredded)
1/4 kilo Pisngi ng baboy (small strip cut)
1/2kl.cabbage o repolyo strip cuts
1/2 chicken nilaga na at hinimay ng maliliit (shredded)
1/4 kilo Pisngi ng baboy (small strip cut)
1/4 Hipon (shrimp) binalatan
5 pcs na kikiam hiniwa ng strip
Sabaw na pinagpakuluan ng manok at baboy
Sabaw na pinagpakuluan ng manok at baboy
Sibuyas ( mas marami sibuyas at bawang mas masarap ang lasa)
Bawang
Mantika
2 tbsp soy sauce
Asin at paminta durog
Bawang
Mantika
2 tbsp soy sauce
Asin at paminta durog
kalamansi
Preparasyon at pamamaraan ng pagluluto
a. Igisa ang Sibuyas at Bawang sa mahinang apoy hayaan pumula ng kaunti ang bawang at sibuyas. Tandaan lagi uunahin ang sibuyas igisa bago isunod ang bawang dahil mas madali masunog ang bawang
b. Pagka mapula na ang bawang at sibuyas ilagay ang pinakuluan o luto na manok at baboy kasabay ng hipon at kikiam. Haluin at hayaan ng mga 5 minuto.
c. Ilagay ang sabaw na ginamit sa pagpakulo ng manok at baboy ayon sa dami ng pansit canton na lulutuin at ilagay ang chicken knorr cubes kunting asin at pamintang durog
d. Hayaan na kumulo at timplahin ayon sa iyong panlasa, saka ilagay ang pancit canton ilubog sa sabaw hanggan tuluyan lumubog sa kumukulong sabaw lahat ng canton.
e. Ilagay ang lahat ng gulay chitcharo, carrots, repolyo, at baguio beans ( kung gusto nyo din lagyan ng celery o kentchay puede)
f. Haluin at hayaan ng hanggan 8 minuto o hanggan 10. Iwasan ma over cook
Ihain na mainit pa. Puede ninyo lagyan ng itlog ng pugo for toppings lalo na kung pang handaan dagdag ganda. Mag prepare ng slice na kalamansi para sa iba ng mahilig maglagay ng kalamansi sa lutong pansit
No comments:
Post a Comment