Salad! Marinig ko pa lang ang salitang iyan tiyak gugutumin na ako at aandar na ang aking malikot na imagination sa lahat ng klase ng pagkain na gusto ko kainin. Sa handaan mas kinakain ko ang "salad", mas nauuna ko puntahan ang corner ng dessert of salad. | |||
Ginagawa itong side dish lalo na kung ang ulam ay pritong isda, inihaw na isda o grilled meat (pork,pork,chicken) Gaganahan ka ng kain lalo na kapag ang kanin ay mainit at lagkitan kapag ito ay inihain
Mga Sangkap:
1 kl sayote talop at strip cut or grated
2g. raisens
1 large carrots hiwain pabilog
2 pcs red and green bell pepper hiwain pabilog
1 kutsara Luya hiniwa ng manipis strip
15 pcs sibuyas tagalog hiwain pabilog or sibuyas na pula
15 butil ng bawang slice ng pabilog or slanting
2 tasa ng puting asukal
2 Tasa ng Datu Puti suka
Iodized salt
Pamintang pino
Paraan ng Paggawa:
- Pakuluan ang suka, asukal, asin at isama na ang kunting pamintaPalamigin
- Sa isang lalagyan paghaluin lahat ng mga sangkap at lagyan ng kuntin rock salt at paghaluin. Patuyuin salain hanggan matuyo maubos ang katas ng sayote at rock salt
- Kapag malamig na ang pinakuluan na sangkap. Ibuhos sa pinaghalo halong mga sangkap at ilagay sa bote or container. Takpan at ilagay sa ref.
SAME PROCEDURE PARA SA EGGPLANT SALAD
No comments:
Post a Comment