Photo: DhorsFacebookpage |
Sabi ko naman, oo pero hindi sa dagat ito pinapasabog; sa
bunganga ito at sa tiyan sasabog! Hehehe…joke lang.
Sa sobrang anghang kasi eh, talagang sabog sa
pakiramdam. Lalo na kapag hindi
tinanggal ang mga buto nito. Opo, buto
ng Sili na green o kung tawagin ay siling pamaksiw.
The best ito pang pulutan, pero mas masarap ito gawing ulam;
lalo na kapag may kasamang mainit na kanin dahil tiyak uusok talaga hehehe.
Sangkap:
½ kilo Ground pork
1 pc reg. size carrot
1 pc. Onion
3 cloves garlic
1 teaspoon salt or patis
1 teaspoon brown sugar
Ground pepper
1 sachet (small) magic sarap
1 egg
Cheeze ( hiwain ng pahaba na maninipis)
½ kilo Siling Pamaksiw (mas maganda kapag malalaki at
mahaba)
Lumpia wrapper
Mantika
----------
Optional lamang kung mga babae
ang kakain
Paghaluin ang mayonnaise at
ketchup para gawing sawsawan
----------
Paraan ng pagluluto:
Kapag bumibili ako sa palengke ng karne ipinapasama ko na sa
paggiling ang mga sumusunod : sibuyas, carrots, bawang at sibuyas.
Idagdag ang asin o patis, paminta, magic sarap at ang itlog.
Itabi lamang
Himayin ang SILI, hiwain sa gilid at tanggalin ang mga buto
at budburan ng kunting asin at lamasin ng kunti at banlawan ng tubig.
Hiwain ang keso ng maninipis at mahaba.
Ipalaman sa loob ng Sili ang giniling at ilagay ang keso….o
maari din na ilagay muna ang keso sa loob ng sili bago lagyan ng giniling.
Balutin sa lumpia wrapper.
Deep fry ang pagluluto sa katamtamang apoy lamang.
Tanggalin kapag mamula-mula
na. Madali lamang itong maluto ang karne
dahil kunti lamang ang karne sa loob ng sili.
No comments:
Post a Comment