Mga kailangang sangkap:
1 kilo manok ( hiwain ayon sa gusto mo kapag pang bahay na
pagkain/ Pang canteen hiwain ng tamang
sukat lalabas ang puhunan sa isang order ay P20.00)
1 katamtamang laki ng sibuyas
3 butil ng bawang
1 katamtamang laki ng labanos hiwain ng pahalang
2 piraso kamatis
1 4x4 na luya hiwain ng pahalang
1 tali ng mustasa
5 piraso siling pamaksiw
Miso (halagang 5 or 10.00)
Paminta (kunti lang pangpa-alis ng lansa)
¼ kilo na kamyas o di kaya sampaloc pampaasin or ready to
mix na pampaasim
Magic sarap/Vetsin
Asin
Patis
Paraan ng pagluluto
- Lagyan ang kawale ng isang kutsarang mantika (huwag masyado madami, mamantika ang manok)
- Igisa ang sibuyas, bawang, luya at kamatis papulahin ng kunti kasama ang kunting paminta at isunod ang miso
- Ilagay ang lahat ng manok (nilamas sa kunting asin at binanlawan upang matanggal ang lansa)
- Lagyan ng isang kutsarang patis at hayaang kumulo sa sariling katas nya at patis
- Pagkaraan ng mga 5 minuto lagyan ng pinaghugasan ng bigas o kahit tubig plain ok lang
- Hayaang kumulo, kapag malapit na maluto ang karne ilagay ang labanos, mustasa at siling pamaksiw.
- Pagkaraan ng 3 minuto hanguin ang gulay kasama ang sili. Mag-iwan ng isang sili para tumalab ang lasa sa sabaw nito.
- Itabi ang gulay sa isang lagayan na malinis at tuyo.
- Timplahan ng pangpa asim kapag (ready mix man o ang pinakuluang sampalok o kamyas na dinurog muna)
- Timplahin ng Magic sarap o vetsin
- Ihain kapag kakain na, sikaping mainit pa para masarap. Kapag nasa mangkok na saka ito ilagay ang mga gulay na naitabi.
Tip: Bakit kailangang
alisin ang gulay habang hindi pa nilalagyan ng pangpa asim? – para ito ay
manatiling kulay green at fresh, hindi mamumula na mukhang over cooked.
Nangyayari ito sa mga sinigang. Kapag maasim ang sabaw ang gulay nagiging brown
ang mga green. Ang labanos, kapag na
over cooked nag iiba ang lasa nya, parang mapanghi ang amoy din.
No comments:
Post a Comment