dorcenkitchenette |
Ito ang pinaka paborito ko sa lahat na ulam. Isa din itong best seller sa aking mini resto. Isang mini resto na pang masa.
Sangkap
1kl Tulingan
1 sibuyas
2 kamatis
4 na butil ng bawang
1/2 kutsaritang paminta (cracked )
1/2 tasa ng luya (hiniwa ng stripped )
1 magic sarap
asin
sili pang sigang
sili labuyo
Petchay or talong (optional lamang )
Gata ng niyong ( isang buo ng niyog na piniga na)
1/2 tasa na Suka
Pamaraan
- hatiin ang hiniwang sibuyas, bawang, kamatis, luya. Ilagay sa kaldero o kawali ang mga hinating mga
rekado kasama ang paminta.
- isunod lagay ang isda (tulingan o di kaya ay tambakol o tilapia) mga pagpipiliang mga isda na gagataan
- ilagay ang suka kapag nailgay na ang isda sa ibabaw ng mga sangkap.
-Hayaang kumulo ng mga 5minutes
-ilagay ang mga natirang sangkap pagkatapos ng 5minutes na pakulo sa suka kasabay ng pangalawang gata.
hayaan itong kumulo ng mga 10minutes.
-after 10 minutes ilagay ang unang gata kasabay ang siling pamaksiw o pangsigang at ang siling labuyo.
halu-haluin ang gata para hindi kumulta o magbuo-buo. Kapag kumulo na at luto na ang unang gata saka ihulog ang talong o petchay at ilagay ang magic sarap. Timplahin at takpan ng mga 3minutes para maluto ang pechay. Kapag talong ang hinalo kailangan isabay ito sa pangalawang gata.